Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkaing pang-world leaders

(GMT+08:00) 2015-11-02 22:59:04       CRI

Isang sikreto ang pang-araw-araw na pagkain ng mga lider ng iba't ibang daigdig. At marami ang gustong makaalam kung ano ang mga ito. Pero, alam ba nyo? Kapag sila ay nasa biyahe, di-maiiwasan na kumain sila sa publiko, kasama ang mga karaniwang tao? Tingnan natin kung ano ang paborito nilang tsibugin.

March 13, 2012--- Dayton, Amerika: Kumakain ng hotdog si Pangulong Barack Obama ng Amerika at Punong Ministro David Cameron ng Britanya, habang nanonood ng basketball game ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).

April 23, 2014---Tokyo, Hapon: Dinala sa Sushi-jiro , isang kilalang sushi restaurant , ni Punong Ministro Abe Shinzo ng Hapon si dumadalaw na Pangulong Barack Obama ng Amerika.

December 1, 2010--- Washington D.C., Amerika: Kumakain ng home-made biscuit si First Lady Michelle Obama ng Amerika.

September 17, 2013---Yongin City, Timog Korea: Bago mag-Mid-Autumn Day, isang palengke ang sinuri ni Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea, at tumikim din siya ng pika-pika roon.

August 22, 2011---Ashdod, Israel: Sa kanyang pagdalaw sa commercial center, popsicle naman ang trip kainin ni dating Pangulong Shimon Peres ng Israel, kasama ni Yehiel Lasri, Alkalde ng Ashdod.

February 22, 2012---Pransya: Sa kanyang pagdalaw sa ArcelorMittal; isang kilalang kompanya ng bakal at asero, sandwich ang trip ni François Hollande, Pangulo ng Pransya.

October 22, 2015---Britanya: Sa kanyang pagdalaw sa Britanya, nag-inuman ng beer at kumain ng fish and chips sina Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro David Cameron ng Britanya sa isang tradisyonal na British pub.

Salin: Andrea

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>