|
||||||||
|
||
Sinabi ng isang opisyal ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Estados Unidos na ayon sa plano ng bansa, di-kukulangin sa 2 beses na ipapadala ng E.U. ang bapor na pandigma sa South China Sea bawat kuwarter, na naglalayong maging regular na nabigasyon.
Hinggil dito, sa regular na preskon ngayong araw, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tatag na tinututulan ng Tsina ang naturang plano ng E.U.. At patuloy na kokontrolin ng Tsina ang kinauukulang kalagayan.
Ipinahayag ni Hua na sa mula't mula pa'y, iginagalang ng Tsina ang legal na kalayaan ng nabigayon ng iba't ibang bansa sa South China Sea. Pero, kung gagawa ang ilang bansa ng aksyon na makakapinsala sa interes at soberaniya ng Tsina sa katwiran ng kalayaan, buong tinding tututulan ito ng Tsina. Buong tatag na papangalagaan ng Tsina ang soberaniya at legal na interes ng sariling bansa.
Salin: Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |