Magkakaroon sa darating na Sabado ng makasaysayang pag-uusap ang mga lider ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits na sina Xi Jinping at Ma Ying-Jeou. Binigyan ito ng positibong papuri ng komunidad ng daigdig.
Sinabi ni Josh Earnest, Tagapagsalita ng White House, na kinakatigan ng Amerika ang mapayapa at matatag na relasyon ng magkabilang pampang. Tinatanggap aniya ng Amerika ang pagpapabuti ng relasyon ng magkabilang pampang. Inulit din niya na tutupdin ng kanyang bansa ang patakarang isang Tsina.
Ipinahayag naman ni Ei Sun Oh, mataas na mananaliksik ng Nanyang Technological University (NTU) ng Singapore, na para sa mga overseas Chinese at mga kapitbansa ng Tsina, ang mahalagang katuturan ng naturang pag-uusap ay makakatulong sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng