Pagkatapos ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Singapore, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa pamamagitan ng pagdalaw ni Xi, itinakda ng Tsina at Singapore ang relasyon ng dalawang bansa bilang "partnership of all-round cooperation keeping with the times." Ito aniya ay mahalagang milestone para sa relasyon ng dalawang bansa sa kinabukasan.
Bukod dito, inilahad din ni Wang ang ibang mga natamong bunga ng nasabing pagdalaw na gaya ng pagpapalawak ng aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa, at pananatili ng pagpapalitan ng kultura at edukasyon sa mataas na antas.
Ayon sa kaniya, buong sikap na itatatag ng Tsina at Singapore ang ika-3 exemplary proyektong pampamahalaan sa Chongqing pagkaraan ng Suzhou Industrial Park at Sino-Singapore Tianjin Eco-city; sisimulan ang talastasan hinggil sa pag-upgrade ng malayang kalakalan ng dalawang bansa; at isasagawa ang mas mahigpit na kooperasyon sa pinansiya, edukasyon, kultura, siyensiya at pagsasaayos sa mga lunsod.