|
||||||||
|
||
Sa kanyang biyahe sa Pilipinas, nakatakdang makipagtagpo si Wang kay Del Rosario at iba pang mga opisyal na Pilipino para paghandaan ang pagdalo ni Pangulong Xi Jinping sa Ika-23 Pulong ng mga Lider Ekonomiko ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na idaraos sa Maynila mula ika-17 hanggang ika-19 ng Nobyembre.
Ayon kay Hong, inaasahan ding magpapalitan ng kuru-kuro sina Wang at mga opisyal Pilipino para mapabuti ang relasyong Sino-Pilipino.
Inulit din ni Hong ang pagpapahalaga ng panig Tsino sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Pilipino. Lagi aniyang nananangan ang Tsina na lutasin ang mga alitan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng diyalogo.
Sa media advisory, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas ang pagdalaw ni Ministrong Panlabas Wang.
Ayon dito, nakatakdang dumating si Minister Wang bago sumapit ang ika-walo't kalahati ng umaga. Magkakaroon ng pagsalubong, paglagda sa Guest Book ng DFA at pagkakaroon ng pag-uusap sa pagitan ng dalawang panig. Tanging photo opportunity at video spray lamang ang papayagan.
Si Atty. Valte habang kinakapanayam ng CRI at Hong Kong Satellite sa International Press Center na pasisinasayaan sa Huwebes. (Melo M. Acuna)
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ikinatuwa ng Pamahalaan ng Pilipinas ang pahayag mula sa Tsina na dadalo sa APEC 2015 Philippines si Pangulong Xi sa susunod na linggo. Aniya, pagkakataon itong maipadama ng Pilipinas ang init ng pagtanggap sa kanya at sa mga panauhing dadalo sa APEC, tulad ng naganap noong nakalipas na taon sa Beijing. Nakapanayam ng CRI at Hong Kong Satellite TV si Atty. Valte kahapon sa International Press Center na pasisinasayaan sa Huwebes.
Tagapagsalin/tagapag-edit: Jade
Tagapag-ulat/photographer: Melo
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |