Sa Manila — Kinatagpo kahapon ng hapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Leung Chun Ying, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na kalahok sa Ika-23 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Pinakinggan ni Xi ang ulat na ginawa ni Leung Chun Ying tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Hong Kong at gawain ng Pamahalaan ng HKSAR.
Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong mga araw na nakalipas, inilipat ng Pamahalaan ng HKSAR ang pokus ng administrasyon sa kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan, at ito aniya ay nagtamo ng positibong reaksyon mula sa iba't-ibang sirkulo ng lipunan ng Hong Kong. Lubos na tiniyak ng Pamahalaang Sentral ang nasabing gawain ng Pamahalaan ng HKSAR, at patuloy at puspusang kakatigan ang mga gawain ng Punong Ehekutibo at Pamahalaan ng HKSAR, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng