Nilagdaan kahapon sa Kuala Lumpur, Malaysia, ng mga lider ng sampung bansang ASEAN ang deklarasyon para ipatalastas ang opisyal na pagtatatag ng ASEAN Community sa ika-31 ng darating na Disyembre.
Bukod dito, isinapubliko rin ang roadmap ng pag-unlad ng ASEAN hanggang taong 2025.
Pagkatapos ng seremonya ng paglagda, sinabi ni Najib Razak, Punong Ministro ng Malaysia, na kinakailangan pa rin ng mga bansang ASEAN ang pagpawi ng mga hadlang sa pagpapalaki ng kabuhayan at pamumuhunan, at pagpapalalim ng kooperasyon para isakatuparan ang mas malayang sirkulasyon ng mga paninda at serbisyo.