|
||||||||
|
||
Kalahok sa Komperensiya ang mga kinatawan ng mga pamantasan, institusyon ng pananaliksik na siyentipiko at bahay-kalakal mula sa 16 na bansa at rehiyon na kinabibilangan ng Amerika, Alemanya, Tsina at Hapon. Kalahok din ang mga organisasyong pandaigdig ng robotics.
Iba't ibang uri ng robot ang nakatanghal sa eksibisyon. Kabilang dito ay mga robot na maaaring magkaloob ng iba't ibang serbisyo na gaya ng robot na tagapaglinis, robot na tagapagpunas ng salamin, robot na tagapagsilbi, robot na tagapagturo ng mga bata at robot na katulong sa mga may kapansanan. Makikita rin ang mga industrial robot at special forces robot.
Ang mga robot ng gawaing bahay ay nakatanghal sa WRC 2015. (Xinhua/Jin Liwang)
Ang mga cute na cute na robot sa WRC 2015. (Crinoline/Shen Shi)
Isang bisita sa WRC 2015 ay naglalaro ng pingpang, kasama ng isang robot. (Xinhua/Jin Liwang)
Special forces robot na nilikha ng Harbin Institute of Technology, sa dakong hilaga ng Tsina ay maaaring gamitin sa mga misyon ng seguridad na pampubliko at pakikibaka laban sa mga aktibidad na teroristiko. (Crionline/Shen Shi)
Genminoid F
Itinuturing na Reyna sa pagtatanghal si Genminoid F, isang "female" na robot na nilikha ni Prof. Hiroshi Ishiguro, kilalang robot designer mula sa Osaka University, Hapon. Para maging tunay, ang boses ni Genminoid F ay nilikha sa pamamagitan ng pagrerekord ng boses ng aktres, at silica gel ang ginamit sa paggawa ng kanyang balat.
Si Genminoid F sa WRC 2015 (Crinoline/Shen Shi)
Aktibo ang mga bisita sa pakikipag-interact sa robot na ito na mukhang isang 20 taong gulang na dalaga. Ganito ang kanyang pagpapakilala sa sarili: "Taga-Hapon ako, isang emotional robot. Marunong akong magsalita, umawit at sumayaw. Mabuti rin ako sa pakikinig."
Bagong panahon ng robotics
Sinabi ni Arturo Baroncelli, Presidente ng International Federation of Robotics (IFR) na makaraang likhain ang unang working robot noong 1961, pumapasok na ang sangkatauhan sa bagong panahon ng robotics.
Ayon sa pagtaya ni Baroncelli, humigit-kumulang 1.5 milyong robot ang ginagamit sa iba't ibang pabrika sa apat na sulok ng mundo, at sa susunod na talong taon, inaasahang aabot sa 2.3 milyon ang bilang na ito.
Robot sa hinaharap
Ayon sa mga siyentista ng robotics, sa hinaharap, magiging mukhang tao ang mga robot. Makakakinig, makakakita at makakapagsalita rin sila. Mayroon din silang alaala at dahil dito, maaari silang mag-isip at magdesisyon.
Pandaigdig na pagtutulungan
Maraming bansa ang magaling sa robotics. Halimbawa, sa Timog Korea, sa bawat 10,000 manufacturing workers, ay may 478 industrial robots; sa Hapon, 315; sa Alemanya, 292; sa Estados Unidos, 164.
Kumpara sa nasabing mga maunlad na bansa, mas mababa ang ratio ng real-man workers at robots sa Tsina, na 36:10,000 lamang.
Kaya, sa kanyang liham na pambati sa Komperensya, hiniling ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga panig na dayuhan na magtulungan sa larangan ng robotics. Inilahad niyang ipinauuna ng Tsina ang robotics at intelligent manufacturing sa mga pambansang proyektong inobatibo. Hinimok niya ang mga bahay-kalakal at pamantasang Tsino at dayuhan na magtulungan sa robotics para pakibanangan ng sangkatauhan.
Tagapagsalin/tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |