|
||||||||
|
||
Kapwa ipinahayag ng dalawang pangulo na dapat iwasan ang paglala ng tensyong dulot ng pangyayaring ito, hanapin ang maayos na solusyon, at igarantiya ang hindi pagkaka-ulit ng ganitong pangyayari. Pero, muling binigyang-diin ni Obama na kinakatigan ng Amerika at North Atlantic Treaty Organization ang karapatan ng Turkey na ipagtanggol ang sariling soberanya.
Pagkaraang maganap ang naturang insidente, sinabi ng panig militar ng Turkey na pumasok sa kanilang himpapawid ang isang eroplanong pandigma ng Rusya, at ilang beses nila itong binalaan sa eroplanong ito, pero wala itong reaksyon, kaya pinabagsak nila ito.
Ipinahayag naman ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na ang eroplanong Ruso ay pinabagsak ng Turkey sa loob ng teritoryo ng Syria. Aniya, noong panahong iyon, nagsasagawa ng operasyon kontra-terorista ang eroplano, at wala itong banta sa Turkey. Sinabi rin ni Putin na hindi kukunsintihin ng Rusya ang ganitong krimen, at grabe itong makakaapekto sa relasyon ng Rusya at Turkey.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |