Sa Phnom Penh — Nag-usap kahapon sina Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia at dumadalaw na Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya. Buong pagkakaisang ipinasiya ng dalawang panig na palakasin ang kanilang bilateral na relasyon at kooperasyon.
Pagkaraan ng pag-uusap, magkasama silang dumalo sa seremonya ng paglalagda sa sampung (10) kasunduang pangkooperasyon na may kinalaman sa mga larangang gaya ng anti-money laundering, kooperasyon ng mga organo ng pagbabalita, teknolohiya ng enerhiyang nuklear, kalusugan, kultura, at pamumuhunan.
Salin: Li Feng