|
||||||||
|
||
Paghahanap ng Komon at Pangmalayuang Pag-unlad, at Pagiging MagKatuwang na May Win-Win Situation
Talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa UN Sustainable Development Summit
Ika-26 ng Setyembre, 2015, NewYork
Ginoong Co-chairs, mga Kasamahan:
Ikinagagalak ko ang pagdalo sa UN Sustainable Development Summit. Sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng United Nations (UN), nagtitipun-tipon sa New York ang mga lider ng iba't-ibang bansa para talakayin ang tungkol sa pag-unlad. Ito ay mayroong mahalagang katuturan.
Para sa mga mamamayan ng iba't-ibang bansa, ang pag-unlad ay may-kinalaman sa eksistensya at pag-asa, at sumasagisag sa dignidad at karapatan. Dahil dito, 15 taon na ang nakararaan, binalangkas natin ang Millennium Development Goals (MDGs), sa pag-asang magkakaroon ng mabuting pamumuhay ang mga mamamayan.
Nitong mga araw na nakalipas, nakaranas tayo ng sustenableng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at napagtagumpayan din natin ang grabeng epektong dulot ng pandaigdigang krisis na pinansyal. Sumaksi tayo sa pag-ahon ng mga umuunlad na bansa, at nahaharap sa katotohanang di-balanseng pag-unlad sa pagitan ng Timog at Hilaga. Lubos tayong nalulugod sa pag-aalis ng karalitaan sa 1.1 bilyong populasyon, at ikinababahala ang pagkagutom pa rin ng mahigit 800 milyong populasyon.
Sa kasalukuyang daigdig, ang kapayapaan at kaunlaran ay nananatili pa ring dalawang malaking paksa. Kung talagang nais nating malutas ang iba't-ibang uri ng hamon sa daigdig na gaya ng krisis ng refugee na nagaganap sa Europa, ang pundamental na kalutasan ay dapat hanapin ang kapayapaan at isakatuparan ang kaunlaran. Sa harap ng napakaraming hamon at kahirapan, dapat nating ipauna ang paksa ng pag-unlad. Walang ibang pagpili kundi pag-unlad; ito ang lulutas sa pinag-uugatan ng sagupaan, maggagarantiya sa pundamental na karapatan ng mga mamamayan, at mabibigyang-katotohanan sa magagandang hangarin ng mga mamamayan.
Ginoong Co-chairs, mga Kasamahan!
Ang Agenda ng Pag-unlad Pagkatapos ng Taong 2015 na pinagtibay sa Summit, ay nakakapagbigay ng bagong prospek ng pag-unlad ng buong mundo, at nagkakaloob ng bagong pagkakataon para sa kooperasyong pangkaunlaran ng buong daigdig. Dapat nating samantalahin ang pagkakataong ito, at dapat magkakasama nating tapakan ang isang pantay, bukas, komprehensibo, at bagong landas ng pag-unlad para puspusang maisakatuparan ang komong pag-unlad ng iba't-ibang bansa.
*Dapat nating hanapin ang pantay na pag-unlad para maging mas parehas ang pagkakataon ng pag-unlad. Ang bawat bansa sa daigdig ay dapat maging kalahok, tagapag-abuloy, at tagatanggap ng pakinabang ng pag-unlad ng daigdig. Ito ay hindi dapat maging pribilehiyo para sa isa o ilang bansa lamang, at dapat itong tamasahin ng nakakaraming bansa sa daigdig. Nagkakaiba ang kakayahan at lebel ng iba't-ibang bansa, sa ilalim ng komong target, dapat isabalikat ng iba't-ibang bansa ang "Common But Differentiated Responsibilities." Dapat pabutihin ang pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig, at dapat pataasin ang representasyon at karapatan sa pagsasalita ng mga umuunlad na bansa, at dapat ding bigyang-karapatan ang iba't-ibang bansa sa pantay na pakikilahok sa pagbalangkas ng mga regulasyon.
*Dapat nating igiit ang bukas na pag-unlad para makinabang dito ang iba't-ibang panig. Sa panahon ng ekonomikong globalisasyon, dapat maging bukas ang iba't-ibang bansa sa pag-unlad para mapasulong ang mas malaya at maginhawang paglilipat ng mga production factors sa apat na sulok ng daigdig. Dapat magkakasama nating pangalagaan ang sistema ng multilateral na kalakalan, at dapat itatag ang bukas na kabuhayan para maisakatuparan ang komong pagsasanggunian, komong pagtatatag, at komong pagtatamasa. Dapat nating igalang ang pagpili ng pag-unlad ng isa't-isa, at dapat pag-aralan ang karanasan ng pag-unlad mula sa isa't-isa para makinabang ang mga mamamayan ng iba't-ibang bansa sa bunga ng pag-unlad.
*Dapat nating hanapin ang komprehensibong pag-unlad para maging mas matibay ang pundasyon ng pag-unlad. Ang pinal na hangarin ng pag-unlad ay para sa mga mamamayan. Kasabay ng pagpawi ng karalitaan, at paggarantiya sa pamumuhay ng mga mamamayan, dapat pangalagaan ang pagkakapantay-pantay at katarungan ng lipunan para maigarantiya ang pagkakaroon ng bawat tao ng pagkakataon ng pag-unlad, at pagtatamasa ng bunga ng pag-unlad. Dapat tayong magsikap para maisakatuparan ang koordinadong pag-unlad ng kabuhayan, lipunan, at kapaligiran, at ang maharmoniyang pakikipamuhayan sa pagitan ng tao at lipunan, tao at kalikasan.
*Dapat nating pasulungin ang nagbabagong pag-unlad para lubusang mapalaya ang potensyal ng pag-unlad. Ang inobasyon ay nakakapagbigay ng kasiglahan. Ang mga problema sa kurso ng pag-unlad, ay malulutas lamang sa pamamagitan ng pag-unlad. Sa pamamagitan ng reporma at inobasyon, dapat pasiglahan ng iba't-ibang bansa ang potensyal ng pag-unlad at palakasin ang puwersa ng paglaki para magkaroon ng bagong nukleong kakayahang kompetitibo.
Ginoong Co-chairs, mga Kasamahan!
Ang Agenda ng Pag-unlad Pagkatapos ng 2015 ay isang listahan ng mga tungkulin na may mataas na pamantayan, at ito rin sulat na may-pangako. Ang pagsasaayos nito ay ganap na depende sa kalagayan ng pagsasakatuparan. Iminumungkahi kong palakasin ng komunidad ng daigdig ang kooperasyon, at magkakasamang isakatuparan ang Agenda ng Pag-unlad Pagkatapos ng 2015. Dapat tayong magsikap para maisakatuparan ang kooperasyon at win-win situation.
Una, palakasin ang kakayahan ng pag-unlad ng iba't-ibang bansa. Ang pag-unlad ay dapat dumepende sa sariling pagsisikap ng iba't-ibang bansa. Batay sa sariling katangian at kalagayan, dapat balangkasin ng iba't-ibang bansa ang estratehiya ng pag-unlad na naaangkop sa sariling kalagayang pang-estado. Dapat tulungan ng komunidad ng daigdig ang mga umuunlad na bansa sa pagpapalakas ng konstruksyon ng kakayahan, at ayon sa kani-kanilang aktuwal na pangangailangan, bibigyan sila ng kinakailangang pagkatig at tulong.
Ikalawa, pabutihin ang pandaigdigang kapaligiran ng pag-unlad. Ang kapayapaan at kaunlaran ay dapat isulong nang sabay. Dapat magkakasamang pasulungin ng iba't-ibang bansa ang kapayapaang pandaigdig para mapasulong ang kaunlaran sa pamamagitan ng kapayapaan, at mapatibay ang kapayapaan sa pamamagitan ng kaunlaran. Kinakailangan din ng kaunlaran ang mainam na panlabas na institusyunal na kapaligiran. Dapat ding pabilisin ng mga pandaigdigang organong pinansyal ang pagsasaayos at reporma, at ang mga multilateral na ahensya ng pag-unlad ay dapat magdagdag ng mga yamang pangkaunlaran.
Ikatlo, dapat pabutihin ang partnership na pangkaunlaran. Dapat agarang isakatuparan ng mga maunlad na bansa ang kanilang pangako, at isagawa ang obligasyon. Dapat igiit ng komunidad ng daigdig ang katayuan ng kooperasyon ng Timog at Hilaga bilang pangunahing tsanel, at dapat ding palalimin ang "South-South Cooperation" at kooperasyon ng tatlong panig, at dapat katigan ang importanteng papel ng mga may-kinalamang panig na gaya ng mga pribadong departamento sa partnership.
Ikaapat, dapat kompletuhin ang mekanismo ng koordinasyong pangkaunlaran. Dapat palakasin ng iba't-ibang bansa ang koordinasyon ng patakaran ng macro-economy para maiwasan ang mga negatibong epekto. Dapat pabilisin ng mga organisasyong rehiyonal ang proseso ng integrasyon, at pataasin ang kakayahang kompetitibo sa pamamagitan ng pagkokomplemento ng bentahe sa rehiyong ito. Dapat patuloy na patingkarin ng UN ang namumunong papel.
Ginoong Co-chairs, mga Kasamahan!
Nitong mahigit 30 taong nakalipas, sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, batay sa sariling kalagayang pang-estado, tumahak ang Tsina sa landas ng pag-unlad na may katangiang Tsino. Naisakatuparan ng Tsina sa kabuuan ang Millennium Development Goals, at nabawasan ang 439 na milyong mahirap na populasyon. Natamo rin ang kapansin-pansing bunga sa mga larangang kinabibilangan ng edukasyon, kalusugan, kababaihan, at iba pa. Ang pag-unlad ng Tsina ay hindi lamang nakakapaghatid ng benepisyo sa mahigit 1.3 bilyong mamamayang Tsino, kundi puwersang nakakapagpasulong sa usapin ng pag-unlad ng buong daigdig.
Nitong mahigit 60 taong nakalipas, aktibong nakikilahok ang Tsina sa pandaigdigang kooperasyong pangkaunlaran, at nagkaloob ng halos 400 bilyong Yuan, RMB sa 166 na bansa at organisasyong pandaigdig. Bukod dito, ipinadala ng Tsina ang mahigit 600 libong tauhang panaklolo sa ibang bansa, kabilang dito, mahigit 700 ay nag-alay ng kanilang buhay doon.
Sa hinaharap, patuloy na mananangan ang Tsina sa prinsipyo ng pagpapanatili ng balanse sa pagitan ng pagkakaloob ng tulong sa iba at sariling interes at ipauna ang pagkamapagbigay. Patuloy na magsisikap ang Tsina kasama ng iba't-ibang bansa, para makapagbigay ng ambag para sa pagsasakatuparan ng Agenda ng Pag-unlad Pagkatapos ng 2015. Para rito, nais kong ipatalastas ang mga sumusunod:
*Itatatag ng Tsina ang "Assistance Fund for South-South Cooperation," at ipagkakaloob ang 2 bilyong dolyares bilang unang hulog para katigan ang mga umuunlad na bansa sa pagsasakatuparan ng Agenda ng Pag-unlad Pagkatapos ng 2015.
*Patuloy na daragdagan ng Tsina ang pamumuhunan sa mga di-pinaka-maunlad na bansa, at magsisikap para makaabot sa 12 bilyong dolyares ang halaga ng pamumuhunang ito sa taong 2030.
*Aalisin ng Tsina ang debt on outstanding inter-governmental interest-free loans na dapat bayaran hanggang katapusan ng taong 2015 ng mga di-pinaka-maunlad na bansa, landlocked na umuunlad na bansa, at maliit na islang umuunlad na bansa.
*Itatatag ng Tsina ang Sentro ng Kaalaman ng Kaunlarang Pandaigdig, at pag-aaralan at tatalakayin kasama ng iba't-ibang bansa, ang tungkol sa teorya at praktris ng pag-unlad na angkop sa kani-kanilang kalagayang pang-estado.
*Iminumungkahi ng Tsina na talakayin at itatag ang global energy internet para mapasulong ang pagbibigay-kasiyahan sa pangangailangan ng buong mundo sa malinis at berdeng enerhiya.
Nakahanda rin ang Tsina na patuloy na pasulungin, kasama ng iba't-ibang may-kinalamang panig, ang konstruksyon ng "Belt and Road" initiative, at pasulungin ang pagsasaoperasyon at pagpapatingkad ng papel ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at BRICS New Development Bank sa lalong madaling panahon para makapagbigay ng ambag sa paglaki ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng mga umuunlad na bansa.
Ginoong Co-chairs, mga Kasamahan!
Solemnang ipinangangako ng Tsina na gagawing sariling tungkulin ang pagsasakatuparan ng Agenda ng Pag-unlad Pagkatapos ng 2015, at patuloy na pasusulungin, kasama ng iba pang mga panig, ang usapin ng pag-unlad ng buong daigdig!
Salamat sa inyong lahat!
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |