|
||||||||
|
||
Si Mike ay 34-taong gulang at isang belly dancing coach. Sa karaniwan, ang mga belly dancer ay babae, pero, dahil love na love ni Mike ang belly dancing, siya ay talagang naging mahusay sa pagsasayaw ito.
Larawan: Si Mike, habang tinuturuan ang mga estudyante.
Sapul nang makita niya ang belly dancing performance noong 2006, ipinasiya ni Mike na mag-aral ito. Mula noon hanggang ngayon, 7 hanggang 8 oras na nagsasanay si Mike bawat araw.
Upang lalo pang gumaling sa pagsasayaw, nag-aral siya sa Indya, Ehipto, Amerika, Rusya at Thailand. Dahil sa talento at pagsisikap, siya ang naging kauna-unahang tagapagturo na nagtamo ng accreditation ng ATS ng Amerika. Nagkaroon siya ng sariling sentro ng pagsasanay, at mahigit 3000 estudyante ang niya sa kanyang sentro.
Si Mike ay taga-Nanjing, Lalawigang Jiangsu, Tsina. Noon, siya ay naging sundalo at tapos, isang laboratory technician sa isang petrochemical company, pero, naisip niyang ang nasabing trabaho ay hindi bagay sa kanya. Kaya, na-inlove siya sa belly dancing. Umasa siyang mas maraming tao ang magkakagusto sa belly dancing sa buong Tsina.
Larawan: Si Mike, habang tinuturuan ang mga estudyante.
Larawan: Si Mike habang ginagawa ang mga performance costume para sa mga estudyante.
salin:Wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |