Bilang tagapangulong bansa ng G20, nagpalabas ngayong araw (Martes) ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, hinggil sa Ika-11 G20 Summit na idaraos sa susunod na taon sa Hangzhou, Tsina.
Sa mensahe, sinabi ni Xi na ang kasalukuyan ay masusing panahon para sa kabuhayang pandaigdig at pandigdig na kooperasyong pangkabuhayan. Aniya, mahalaga ang komong desisyon at komong aksyon ng G20, para patatagin ang pundasyon ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at buuin ang bagong tunguhin ng malakas, sustenable, at balanseng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Dagdag pa ni Xi, makikipagtulungan ang Tsina sa iba't ibang panig sa paghahanda ng G20 Hangzhou Summit, para ipatupad ang bunga ng mga nagdaang summit, at magbukas ng bagong kalagayan ng pandigdig na kooperasyong pangkabuhayan.
Salin: Liu Kai