|
||||||||
|
||
Sa unang subway car, nakikita ang painting ng pamumuhay ng mga ninuno ng Shenyang people, 7,200 taon na ang nakaraan. Gumagawa sila ng mga benga, nangingisda, nangangaso, at nagtatanim.
Sa ikalawang subway car, naroon naman ang mga emperador at pamumuhay ng mga basalyo noong Qing Dynasty ng Tsina.
Sa ikatlong subway car, sinasariwa ang kasaysayan tungkol sa pananalakay ng Hapones sa Tsina noong World War II.
Sa ika-apat na subway car, nakikita ang pag-ahon ng industriya ng Shenyang nang itatag ang bagong Tsina.
Sa ikalimang subway car, nakadisplay ang makukulay na painting na naglalarawan ng pagbabago ng pamumuhay ng mga tao ng Shenyang, nang magkaroon sila ng subway noong 2010.
Ang ika-anim na subway car ay binubuo ng elemento ng teknolohiya. Ito ay kumakatawan sa hinaharap.
Salin: Andrea
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |