|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Xie Zhenhua, Espesyal na Kinatawan ng Tsina sa Isyu ng Pagbabago ng Klima, na ang intended national climate action plan ng Tsina ay konkreto, malakas at pragmatiko.
Sinabi pa niyang ang naturang plano ay kinabibilangan ng mga estratehiya, patakaran, hakbangin at aktuwal na proyekto para mabawasan ang emisyon at tugunan ang pagbabago ng klima.
Noong nagdaang Hunyo, iniharap ng Tsina ang naturang plano sa Sekretaryat ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).
Ayon sa naturang plano, hanggang taong 2020, may kakayahan ang Tsina sa pagharap sa pagbabago ng klima sa mga larangang gaya ng agrikultura, gubat, at yamang-tubig. Aniya pa, may kakayahan din ito para pabutihin ang sistema ng early-warning, forecast, at pagpigil sa mga kalamidad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |