Idinaos kahapon sa Beijing ang isang pandaigdigang pulong hinggil sa "Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road" o "One Belt One Road" initiative.
Dumalo sa pulong na ito ang mga pulitikong galing sa Pakistan, Malaysia, Pilipinas, Finland at mga kinatawan ng mga departamento at kolehiyo ng Tsina, para talakayin ang mga isyu hinggil sa konstruksyon ng "One Belt One Road" initiative.
Ipinahayag ni Zha Xianyou, Pangalawang Prinsipal ng Renmin University ng Tsina at tagapagtangkilik ng pulong na ito, na malakas ang pagkokomplemento sa isa't isa ang kabuhayan ng mga bansa sa paligid ng "One Belt One Road" at malawak ang kanilang nakatagong lakas sa kooperasyon.