DUMATING na si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Roma kagabi (kaninang umaga oras sa Pilipinas) para sa kanyang opisyal na pagdalaw sa Italya. Layunin ng pagdalaw na ito na mapalakas ang relasyon ng dalawang bansa.
Lalagda sa isang kasunduan si Pangulong Aquino at Italian president Sergio Mattarrella upang magkaroon ng direct flights sa pagitan ng Roma at Maynila. Umaasa ang Pilipinas na madaragdagan ang mga turistang magmumula sa Italya at madadali ang pagdadala ng mga produktong mula sa Pilipinas.
Sa kanyang huling araw na pagdalaw sa Italya, makakausap niya si Pope Francis sa Vatican City. Pag-uusapan nila ang rehabilitation efforts sa mga pook na sinalanta ni "Yolanda". Magugunitang dumalaw si Pope Francis sa Tacloban City (at Palo, Leyte) noong Enero. Paksa rin nila ang climate change.