|
||||||||
|
||
NANAWAGAN si Presidential Spokesperson Atty. Edwin Lacierda na papanaigin ang hinahon at paggalang sa batas sa lahat ng mga mamamayan kasunod ng desisyon ng Second Division ng Commission on Elections na huwag nang payagang tumakbo sa panguluhan si Senador Grace Poe.
Sa isang pahayag, sinabi ni Secretary Lacierda na nauunawaan nilang gagawin ng mga abogado ng senador ang lahat ng paraang legal at kinikilala nila ang mga karapatang legal ng panig ng mambabatas.
Nagkaroon ng desisyon ayon sa itinatadhanang gawain ng Commission on Elections. Magugunitang pumanig ang Second Division sa petisyon ni Atty. Estrella Elamparo na humiling na kanselahin ang certificate of candidacy ni Senador Poe sapagkat hindi niya natupad ang itinatadhanang 10 taong paninirahan sa bansa tulad ng nasasaad sa Saligang Batas.
Nabatid ng Commission on Elections na nanirahan lamang sa Pilipinas si Senador Poe noong 2006 na siya ay mag-apply ng dual-citizenship at nagkulang ng dalawang buwan upang makamtan ang sampung taong residency rule.
Nabatid ng Comelec na tuwirang pinagtangkaan ni Senador Poe na linlangin (ang madla) at itago ang katotohanan ng sumagot siyang nanirahan na siya sa Pilipinas ng may sampung taon at 11 buwan.
Sa panig ni Senador Poe, itutuloy umano niyang ipaglaban ang kanyang pagiging natural-born citizen. Aapela sila sa Comelec en bancsa loob ng limang araw at nanatiling matatag sa pagsasabing nanirahan na siya sa Maynila noong Mayo ng 2006.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |