|
||||||||
|
||
KAHIT pa hinatulan na mabilanggo ng may anim hanggang 12 taon si US Marine Lance Corporal Joseph Pemberton sa pagpaslang kay "Jennifer" Laude, marami pang nararapat gawin.
Ito ang pahayag ng GABRIELA matapops mapatunayang nagkasala ng homicide ang kawal. Ikinalungkot lamang ng samahang hindi nahatulan sa kasong murder ang akusado.
Kapuri-puri umano ang hatol ni Olongapo Judge Roline Ginez-Jabalde na ipakulong si Pemberton sa New Bilibid Prison sapagkat nalantad na naman ang nilalaman ng Visiting Forces Agreement at ang pagsasabwatan ng Embahada ng Estados Unidos at Department of Foreign Affairs na manatiling nakapiit si Pemberton sa AFP Custodial Center sa loob ng Campo Aguinaldo.
Hindi nagwawakas ang political battle sa hatol kay Pemberton at bahala na ang Aquino Administration na manindigan sa pressure ng America na makuha ang custody ni Pemberton.
Nanawagan din sila sa pamilya Laude na hindi nagtatapos ang kanilang laban sa hatol ng hukuman. Gagawin ng America ang lahat upang makuha at mapalaya si Pemberton sa pamamagitan ng mga patagong alok sa pamilya.
Patuloy umanong hadlangan ang VFA at ang Enhanced Defence Cooperation Agreement na maglalantad sa mga Filipino sa kaguluhan at pananakit ng mga kawal na Americano.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |