|
||||||||
|
||
Lugar na pinangyarihan ng pamamaril
Isinapubliko kahapon ng kapulisan ng San Bernardino, at Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika, ang pinakahuling impormasyon ng pamamaril na naganap kamakalawa sa nasabing lunsod sa Southern California. Nasawi sa insidente ang 14 na katao, at nasugatan ang 21 iba pa, na kinabibilangan ng 2 pulis.
Ulat ng American media hinggil sa dalawang suspek
Ayon pa rin sa impormasyon, sa dalawang suspek na napatay ng panig pulisya, ang 28-taong-gulang na lalaki na si Syed Farook ay Amerikano, at ang 27-taong-gulang na si Tashfeen Malik ay kanyang asawa at taga-Pakistan. Ang dalawang suspek ay may libu-libong bala, mahigit sa 10 bomba, at mga kagamitan para sa paggawa ng bomba. Pero, walang sila sa listahan ng mga pinaghihinalaang terorista ng mga may kinalamang departamento ng Amerika, at wala rin silang rekord na krimen.
Mga kandilang sinindihan bilang pagluluksa sa mga nasawi
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Pangulong Barack Obama ng Amerika, na hindi pa alam ang motibo sa naturang insidente. Ito aniya ay posibleng may-kinalaman sa terorismo, pero posible ring may kinalaman sa pagtatalo sa trabaho.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |