|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon ng Islamic State (IS) na dalawang tagasunod nito ang nagsagawa ng insidente ng pamamaril sa San Bernardino ng California ng Amerika.
Pero ipinahayag ng White House ng Amerika na hanggang sa kasalukuyan, wala pang anumang palatandaan ang nagpapakita sa kaugnayan sa pagitan ng dalawang may kagagawan at mga teroristikong grupo.
Ayon sa inisiyal na resulta ng imbestigasyon, ang naturang dalawang may-kagagawan ay hindi miyembro ng anumang organisasyon at sila rin ay hindi terorista na ipinadala ng mga dayuhang teroristikong grupo para isagawa ang pag-atake sa Amerika.
Noong ika-2 ng buwang ito, naganap sa isang social services center ang insidente ng pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng 14 at pagkasugat ng 21. Pagkatapos nito, binaril ng panig pulisya ang dalawang may-kagagawan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |