|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Sonpol Wattanachai, Deputy National Police Spokesman ng Thailand, na iniutos ni Punong Ministro Prayut Chan-o-cha ang panig pulisya at departamentong panseguridad na pahigpitin ang mga hakbanging panseguridad sa Bangkok at mga lugar panturista para mapigilan ang pagpasok at pag-atake ng mga tauhan ng Islamic State (IS).
Ayon sa isang dokumento na inilabas sa social media, pumasok sa Thailand ang sampung Syrian ng IS para isagawa ang pag-atake sa mga target na may kinalaman sa Rusya.
Ipinahayag ni Sonpol Wattanachai na kahit hindi pa kinumpirma ang impormasyon ng naturang dokumento, pinahigpit na ang mga gawaing panseguridad, lalo na sa paligid ng mga embahda at konsulada.
Bukod dito, isinasagawa ng departamento ng imigrasyon ng Thailand ang mas mahigpit na pagsusuri sa mga port ng pagpasok-labas sa bansang ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |