|
||||||||
|
||
Isiniwalat kamakailan ni Komate Kamalanavin, Consul General ng Thailand sa lunsod ng Chengdu, Sichuan, probinsya sa timog-kanlurang Tsina, na nais ng Thailand na magkaroon ng kooperasyon sa Lalawigang Sichuan, para itatag ang ika-3 distribution centre ng mga produktong Thai sa pamilihan sa dakong kanluran ng Tsina.
Nauna rito, itinatag na ng Thailand ang dalawang distribution centre sa Lalawigang Guangdong at Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, kapuwa sa dakong timog ng Tsina.
Ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Thailand at lalawigang Sichuan, noong 2014 ay umabot sa 730 milyong dolyares. mabiling-mabili sa Tsina nang mabuti ang ilang produktong Thai na gaya ng bigas, prutas at skincare products. Nitong ilang taong nakalipas, tinatanggap na rin sa lalawigang Sichuan ang mga Thai restawrang at hinahanda naman ang Sichuan cuisine sa pambansang bangkete ng Thailand.
Salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |