Nagsimula ngayong buwan ang pangangalap ng estudyante ng Xiamen University Malaysia Campus at opisyal na tatakbo ito sa ika-22 ng Pebrero.
Sinabi ni Wang Ruifang, Prinsipal ng Xiamen University Malaysia Campus, na tinatayang 500 estudyante ang unang papasok sa 2016 at sila ay mula sa Malaysia, Tsina, at iba pang bansa. Ito aniya ay para makalikha ng multi-cultural na kampus.
Aniya pa, isa't katlo ng mga propesor ay galing sa Xiamen University, at ang iba ay mga mahusay na guro mula sa Malaysia, at iba pang sulok ng daigdig. Mahigit 80% guro ay may doctoral degree. Ipagkakaloob ng paaralan ang mga kurso ng bachelor, master at doctor degrees. Pagkaraan ng mag-graduate, ang mga estudyante ay makakakuha ng diploma mula sa mga pamahalaan ng kapwa Tsina at Malaysia, at magkakaroon din sila oportunidad na magtatrabaho o mag-aaral sa dalawang bansa.
Ang Xiamen University ay itinayo ni Tan Kah Kee, kilalang overseas Chinese.
Salin: Andrea