Ayon sa Xinhua News Agency, sa pagtataguyod ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries at China International Friendship Cities Association, idinaos kahapon sa Beijing ang Porum na Pangkooperasyon ng Pamahalaang Lokal ng Bangladesh, Tsina, India, at Myanmar. Dumalo at bumigkas ng talumpati si Yang Jiechi, Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina.
Ang naturang porum ay naglalayong ibayo pang palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga rehiyon ng naturang 4 na bansa, at pabilisin ang pagsasagawa ng proyekto ng economic corridor ng 4 na bansa.
Salin: Li Feng