|
||||||||
|
||
Nag-rerehearsal ang mga kalahok sa 2015 China-ASEAN Friendship Concert
Idaraos sa Miyerkules, Disyembre, 2015 sa Beijing ang 2015 China-ASEAN Friendship Concert at dalawang Pinoy ang kalahok dito. Magtatanghal sa konsiyerto ang mga mang-aawit mula sa ibang 9 na bansang ASEAN at Tsina. Ito ay nasa makasamang pagtatangkilik ng mga media ng Tsina at mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ng Pilipinas (NCCA), People's Television Network (PTV), China Radio International (CRI), at Guangxi TV ng Tsina.Ang concert na may temang "Our Region, Our Song," ay naglalayong ipakita ang makukulay na kultura ng musika ng Tsina at mga bansang ASEAN, at palakasin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Kalahok sa konsiyerto ang 9 na mang-aawit na Tsino at 10 mang-aawit mula sa mga bansang ASEAN, na kakanta ng kani-kanilang mga katutubong awit.
Abalang abala si Aldrich Lloyd Talonding sa rehearsal sa BTV Grand Theater.
Kakantahin ni Aldrich Lloyd Talonding at kanyang partner na si James Walter Bucong ang awit na "Anak" ni Freddie Aguilar.
Ang iba pang mga mang-aawit ng ASEAN ay sina: Sri Nazrina mula sa Brunei: aawitin niya ang "Anak Durhaka"; Ma Chanpanha mula sa kambodya, aawitin niya ang "Autumn"; Bunga Citra Lestari mula Indonesya, at aawitin niya ang "True Love"; Kai Overdance mula sa Laos, aawitin niya ang "Champa flower"; Asmidar Ahmad mula sa Malaysia, aawitin niya ang "Wau Bulan"; A Sai mula sa Myanmar, aawitin niya ang "Thanakha"; Tay Kewei mula sa Singapore, aawitin niya ang "Home"; Tanon Jumroen mula sa Thailand, aawitin niya ang "Love Great Charm"; Ta QuangThang mula sa Byetnam, aawitin niya ang "Water-ferns Drift, Clouds Float".
Ang mga mang-aawit namang Tsino na kalahok sa palabas, ay sina Wang Li, Bei Bei, Wang Sulong, Yu Kewei, Ma Di, Xu Yina, Uda Мод, Xiong Rulin, at Wang Xiaomin.
Nauna rito, ini-shoot ng CRI at Guangxi TV ang documentary film na pinamagatang "Our Region Our Song" sa iba't ibang bansa ng ASEAN. Hinanap nila ang mga kanta na maaaring magpakita ng iba't ibang kultura ng mga bansa.
Ayon sa plano, isasahimpapawid ang nasabing documentary film at mga programa ng "2015 China-ASEAN Friendship Concert" sa mga kalahok na media ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN, na kinabibilagan ng PTV ng Pilipinas, mga plataporma sa iba't ibang wika ng CRI, Guangxi TV ng Tsina at iba pa.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |