|
||||||||
|
||
Nagsimula nang magkabisa, Disyembre 20, 2015, ang Kasunduan ng Malayang Kalakalan (FTA) ng Tsina at Timog Korea (Republika ng Korea, ROK).
Ayon sa FTA, simula Disyembre 20, 20% ng mga kalakal sa pagitan ng dalawang bansa ang mabibigyan ng serong taripa. Sa susunod na 10 taon, magiging tariff-free ang 70% ng bilateral na kalakalan; at sa loob ng 20 taon, ito ay magiging 90%.
Ayon sa mga tagapag-analisa, ang pagkakabisa ng nasabing FTA ay magpapasulong ng kapuwa kompetisyon at kooperasyon sa pagitan ng mga bahay-kalakal na Tsino at Timog Koreano. Makakatulong din anila ito sa integrasyong panrehiyon.
Tagapagsalin/Tagapagpulido: Jade
Tagapagpulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |