Isang bapor na pampasahero ang lumubog noong Disyembre 19, 2015, sa karagatang malapit sa lalawigang Sulawesi, Indonesya.
Ayon sa Awtoridad ng Paghahanap at Pagliligtas ng Indonesya, sa kasalukuyan, 39 na katao na ang nailigtas. Samantala, 3 katao naman ang kumpirmadong nasawi, at mga 80 iba pa ang nawawala.
Ayon pa sa nasabing kagawaran, grabeng panahon at problemang pangmakinarya ang nakitang sanhi ng paglubog ng bapor. Anito pa, 108 pasahero at 10 tripulante ang lumubog, kasama ng bapor.
Mga nakaligtas sa lumubog na bapor na pampasahero habang nakahiga sa isang ospital sa South Sulaweisi. (Xinhua/Lukas)