Sina Xi Jinping at Nguyen Sinh Hung
Sa kanyang pakikipag-usap sa Beijing, Miyerkules, Disyembre 23, 2015 kay Nguyen Sinh Hung, Tagapangulo ng Parliamento ng Biyetnam, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nitong 65 taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, nananatiling mainam ang relasyong ito, batay sa magkasamang pagsisikap ng dalawang panig. Ipinahayag din ni Xi ang pag-asang ibayo pang ipagpapatuloy ng dalawang panig ang pagsisikap sa mga larangang kinabibilangan ng pagpapatibay ng pundasyong pampulitika, pagpapasulong ng pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan, at maayos na paglutas ng mga pagkakaiba at problema.
Positibo ang Pangulong Tsino sa mapagkaibigang pagpapalitan sa pagitan ng National People's Congress ng Tsina(NPC) at Parliamentong Biyetnames. Umaasa aniya siyang patuloy na magsisikap ang dalawang panig sa usaping ito, para pasulungin ang relasyong Sino-Biyetnames.
Ipinahayag naman ni Nguyen Sinh Hung na ang pagpapasulong ng mapagkaibigang relasyon ng Tsina at Biyetnam ay hindi lamang angkop sa pundamental na interes ng dalawang bansa, kundi makakatulong din sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon. Aniya, inaasahang mapapahigpit ang pagpapalitan ng dalawang parliamento para pasulungin ang mapagkaibigang relasyong Sino-Biyetnames.