|
||||||||
|
||
Ayon sa Xinhua News Agency, sa kanyang pakikipagtagpo noong Huwebes, Disyembre 24, 2015, kay Nguyen Sinh Hong, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam at Tagapangulo ng Parliamento ng bansang ito, sinabi ni Yu Zhengsheng, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng dalawang panig, sustenableng bumubuti ang relasyong Sino-Biyetnames.
Ani Yu, pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyon sa Biyetnam. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Biyetnam, para mapalakas ang pagdadalawan ng dalawang panig sa mataas na antas, mapalalim ang pagsasanggunian at pagkokoordinahan, maayos na kontrolin ang pagkakaiba, at mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng kanilang relasyon.
Sinabi naman ni Nguyen Sinh Hong na ang pagpapalakas ng tradisyonal na pagkakaibigang Biyetnames-Sino at pagpapaunlad ng komprehensibong estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa, ay hangarin ng partido, estado, at mga mamamayang Biyetnames. Magsisikap aniya ang Biyetnam, kasama ng Tsina para matamo ng bilateral na relasyon ang bagong progreso.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |