Mahigit 10 milyong mahihirap sa buong bansa ang nakatakdang bawasan ng Tsina, sa taong 2016. Ito ay para isakatuparan ang magandang simula ng Ika-13 panlimahang-taong plano ng bansa, mula 2016 hanggang sa 2020.
Sa Pambansang Kumperensiya sa Pagbibigay-tulong sa mga Mahihirap ng Tsina, na binuksan, Huwebes, Disyembre 24, 2015, inilahad ni Ginoong Liu Yongfu, Puno ng Departamento ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Pagbibigay-tulong sa mga Mahihirap, na noong nagdaang panlimahang-taong plano, alinsunod sa istandard ng Tsina, nasa halos 60 milyon ang bilang ng mga mahirap na populasyon sa kanayunan, sa katapusan ng 2015. Ang bilang na ito aniya ay mula 166 milyon, noong 2010.