Noong ika-28 ng Disyembre, 2015, dahil sa matinding lamig, nagyelo ang mga bakal na bakod sa tabing-dagat. Nakunan ng mga tao ng litrato ang magandang tanawin ng yelo at dagat.
Ang Lunsod ng Dalian sa Lalawigang Liaoning ng Tsina ay nasa dakong hilagang silangan ng Tsina. Ang karaniwang temperatura dito sa buong taon ay mga 10℃, at ang frost - free days ay mga 180 hanggang 200 bawat taon. Ang Enero ay pinakamalamig na panahon, may karaniwang temperature na -4.5℃hanggang -6℃, pero, ang pinakamababang temperature ay puwede ng umabot sa -20℃. Ang Agosto ay pinakamainit na panahon, 24℃ ang karaniwang temperature at umabot sa 30℃ang pinakamataas.
salin:wle