|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Ben Rhodes, Pangalawang National Security Advisor ng Pangulong Amerikano, na isinasaalang-alang ng White House ang pagsasaayos ng pagdalaw ni Pangulong Barack Obama sa Cuba sa hinaharap, para pasulungin ang maayos na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi pa niyang umaasa ang panig Amerikano na gagamitin ng Cuba ang mga aktuwal na hakbangin para pabutihin ang kalagayan ng karapatang pantao at pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan.
Kung dadalaw si Pangulong Obama sa Cuba bago ang katapusan ng kanyang termino, siya ay magiging kauna-unahang pangulong Amerikano na dumalaw sa Cuba sapul noong 1928.
Noong nagdaang Hulyo ng taong 2015, pinanumbalik ng Amerika at Cuba ang relasyong diplomatiko. Pero hanggang sa kasalukuyan, hindi pa komprehensibong inalis ng Amerika ang lahat ng mga sangsyon sa Cuba.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |