|
||||||||
|
||
Matinding kinondena kahapon ng Ministring Panlabas ng Iran ang pagbitay ng Saudi Arabia kay Nimr Baqr al-Nimr, isang Shia Sheikh sa bansang ito.
Sinabi ni Hossein Jaberi Ansari, Tagapagsalita ng nasabing departamento, na binatay ng Saudi Arabia si Nimr Baqr al-Nimr, dahil lamang sa pagpapalaganap niya ng sariling pananaw sa pulitika at relihiyon. Ito aniya ay isang di-responsibleng aksyon.
Pero, nagprotesta ang Ministring Panlabas ng Saudi Arabia sa pakiki-alam ng Iran sa mga suliraning panloob nito.
Si Nimr Baqr al-Nimr ay isang nukleong tauhan ng paksyong Shia sa Saudi Arabia na namuno sa malaking demonstrasyon kontra-gobyerno sa bansang ito noong 2011. Noong 2014, hinatulan siya ng isang hukuman ng Saudi Arabia ng kamatayan sa sala ng pang-uupat ng pag-aalsa, pagpinsala ng pambansang katiwasayan at pagpapalaganap ng mga pananalitang kontra-pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |