Beijing, Tsina—Ayon sa pinakahuling pahayag ng National Development and Reform Commission (NDRC) ng Tsina, na inilabas nitong Linggo, Enero 3, 2016, noong unang 11 buwan ng 2015, umabot sa mahigit 202 trilyong yuan (31.17 trilyong U.S. dollars) ang kabuuang halaga ng logistics sector ng bansa. Mas mataas ito ng 5.8% kumpara sa gayunding panahon ng 2014, pero kumpara sa bahagdan ng paglaki noong 2014 laban sa 2013, na 8.3%, mas mababa ito ng 2.5%.
Ayon din sa pahayag ng NDRC, ang mababang pagtaas ng logistics sector ay dahil, pangunahin na sa pagbaba ng kabuuang kabuhayan ng Tsina. Dahil sa pagsasagawa ng pamahalaang Tsino ng katamtaman at de-kalidad na pag-unlad ng Tsina, noong ikatlong quarter ng 2015, umabot sa 6.9% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina. Ito ang pinakamababang quarterly growth nitong anim na taong nakalipas.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio