|
||||||||
|
||
Samantala, binigyang-diin ng H.Korea, na kung hindi lalapastanganin ang soberanya ng bansa, hindi nito unang gagamitin ang sandatang nuklear, at hindi rin ibabahagi sa ibang panig ang mga may kinalamang teknolohiya sa anumang kondisyon.
Pagkaraan nito, ipinahayag ng Tsina ang buong tatag na pagtutol sa naturang nuclear test ng H.Korea. Hinimok din ng Tsina ang H.Korea na tumalima sa pangako sa walang nuklear, at huwag isagawa pa ang anumang aksyong magpapalala ng kalagayan.
Kinondena naman ng Timog Korea ang aksyon ng H.Korea. Anito pa, dapat wasakin ng H.Korea ang lahat ng mga sandatang nuklear.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |