Ipinalabas kamakailan ng panig opisyal ng Bhutan ang litrato ng buntis na si Queen Jetsun Pema habang nakaupo sa grassland kasama ni Haring Jigme Khesar Namgyal Wangchuk. Kapansin-pansin ang tiyan ng reyna at ipinatalastas na ipapanganak ang kanilang kauna-unahang baby boy sa darating na Pebrero.
Noong ika-13 ng Oktubre, ikinasal nina 35 taong gulang na Jigme Khesar Namgyal Wangchuck at 25 taong gulang na Jetsun Pema. Noong panahong iyon, si Pema ay isang estudyante ng Royal Institute of International Affairs ng UK.
Ayon sa ulat, napakaromantiko ng love story ng king at queen. Unang nagtagpo sila, 17 taong gulang lamang si Wangchuck at 7 taong gulang si Pema at ipinangako ni Wangchuck na kung kapag malaki na sila at walang ibang minamahal, pakakasalan niya at magigigng asawa si Pema.
Naging totoo ang pangakong ito noong 2011, idinaos nila ang maringal na kasalan na tumatagal nang 3 araw at ayon kay Wangchuck, napakaganda at napakatalino ng asawa niya.
Sa kasalan, hinalikan ng hari ang pisngi ng queen na ikinagulat ng mga mamamayan ng Bhutan, kasi, ito ay ipinagbabawal sa kaugaliang lokal. Bukod dito, ipinahayag ng Hari na hindi nito susundin ang tradisyon ng polygamy at tanging si Pema ang mamahalin habang buhay.