Ipinatalastas kahapon ng Sekretaryat ng Bo'ao Forum for Asia (BFA) na idaraos ang taunang pulong ng BFA sa Bo'ao ng lalawigang Hainan ng Tsina mula ika-22 hanggang ika-25 ng darating na Marso.
Ang paksa ng nabanggit na pulong ay "Asia's New Future:New Dynamics, New Vision."
Ipinahayag ni Zhou Wenzhong, Pangkalahatang Kalihim ng BFA, na ang pag-unlad ng Asya sa susunod na yugto ay magtatampok sa pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan at industriya, pagpapahigpit ng kooperasyong pangkabuhayan ng rehiyong ito, pagpapataas ng pamumuhunan sa imprastruktura at inobasyon ng teknolohiya.