|
||||||||
|
||
Ginagawaran ng mga lider na Tsino ng mga gantimpala ang mga siyentista
Idinaos kahapon, Biyernes, ika-8 ng Enero, sa Beijing ang seremonya ng paggawad ng State Science and Technology Awards ng Tsina. Ginawaran ng mga lider na Tsino na kinabibilangan nina Pangulong Xi Jinping, Premyer Li Keqiang, at iba pa, ng mga gantimpala ang mga siyentista, para sa kanilang malaking ambag sa progresong pansiyensiya at panteknolohiya ng bansa noong taong 2015.
Nagtatalumpati si Premyer Li Keqiang
Sa kanyang talumpati sa seremonya, binigyang-diin ni Premyer Li Keqiang ang kahalagahan ng inobasyon para sa pag-unlad ng bansa sa panahon ng transisyong pangkabuhayan. Pasisiglahin rin niya ang iba't ibang sektor ng lipunan na lumahok sa usapin ng siyensiya at teknolohiya.
Para sa 2015 State Science and Technology Awards, ginarawan ng mga gantimpala ang mga siyentistang Tsino na nagsagawa ng 295 research achievements at 7 dayuhang siyentista.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |