Ayon sa plano na inilabas ngayong araw, January 16th, 2016, ng pamahalaan ng Lhasa, Punong Lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina, hanggang sa taong 2020, nais nilang doblehin ang kabuuang bolyum ng turismo kumpara sa taong 2015.
Noong taong 2015, ang kabuuang bilang ng mga turista sa Lhasa ay umabot sa 11.8 milyong person-time. Ayon sa naturang plano, hanggang taong 2020, ang nasabing bilang ay itataas sa 240 milyong person-time.
Upang isakatuparan ang naturang target, isinapubliko ng pamahalaan ng Lhasa ang mga hakbangin na gaya ng pagpapataas ng lebel ng mga imprastruktura, pagsasagawa ng mga kooperasyon sa mga pandaigdigang organisasyon, at pagsulong ng pagpapalaganap ng internet para ipagkaloob ang mas maraming impormasyon hinggil sa turismo at pasulungin ang pag-unlad ng e-commerce.