|
||||||||
|
||
Sapul noong 2014, ang turismo, kasama ng imprastruktura, industriyang pandagat, pagkain at enerhiya ay nagsisilbing haligi ng ekonomiya ng Indonesia.
12 milyong turista sa 2016
Ipinahayag kamakailan ni Arief Yahya, Ministro ng Turismo ng Indonesia na ang target sa 2016 ng kanyang ministri ay paabutin sa 12 milyon ang bilang ng mga turista.
Upang maisakatuparan ang nasabing target, pasusulungin ng Indonesia ang promosyon na nakatuon sa mga potensyal na turista mula sa iba't ibang bansa.
Tsina, ika-3 pinagmumulan ng turista sa Indonesia
Kasunod ng Singapore at Malaysia, ang Tsina ay ikatlong pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turista sa Indonesia.
Pero, ayon sa estadistika ng Ministri ng Turismo ng Indonesia, wala pang 1% ng mga outbound tourist ng Tsina ang bumisita sa Indonesia. Kaya, makaraang analisahin kung paano nakakaakit ang Thailand, Singapore at Malaysia ng mga turistang Tsino, nagpasiya ang Indonesia na magbubukas ng mas maraming direktang biyahe ng eroplano sa pagitan ng Tsina at Indonesia, at pagpapasulong ng promosyon sa iba' t ibang media platforms.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |