|
||||||||
|
||
Pinakli kahapon ng panig Tsino ang protesta ng Pilipinas sa test flights sa paliparan sa Yongshu Reef sa South China Sea.
Sinabi ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang test flights sa pagitan ng Hainan Province at Yongshu Reef ay nabibilang sa mga suliranin sa loob ng saklaw ng soberanya ng Tsina.
Sinabi rin niyang ang mga test flight ng Tsina ay nagsisilbing propesyonal, teknikal, pansibilyan at pampubliko.
Kaugnay ng plano ng Pilipinas sa pagmomodernisa ng puwersang militar para pangalagaan ang yamang-dagat sa South China Sea, sinabi ni Hong na umaasa ang panig Tsino na isasagawa ng mga may kinalamang bansa ang mga aksyong makakabuti sa katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.
Inulit ni Hong na palagiang iginagalang ng Tsina ang kalayaan ng mga bansa sa paglalayag at pagsasahimpapawid sa buong daigdig batay sa mga batas na pandaigdig, samantala, matinding tinututulan ng Tsina ang pagpinsala ng anumang bansa sa katiwasayan at soberanya ng Tsina sa pangangatuwiran ng kalayaan ng paglalayag at pagsasahimpapawid.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |