|
||||||||
|
||
Jakarta, Indonesia—Kinumpirma ni Tito Karnavian, Puno ng Kapulisan ng Jakarta na ang slamic State (IS), grupong teroristiko ang may kagagawan ng pambobomba at pamamaril nitong Huwebes, Enero 14, 2016 sa Jakarta, Indonesia. Pito (7) katao na kinabibilangan ng 2 suicide bombers ang namatay sa atake at 20 iba pa ang nasugatan.
Idinagdag pa niyang ayon sa estratehiya ng IS, mayroon itong sangay sa mga bansa ng Timog-silangang Asya na kinabibilangan ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas.
Kinumpirma rin niyang anim (6) na granada at isang malaking bomba ang nabigong sumabog sa nasabing trahediya.
Atake pagkaraan ng pagbabala
Sinabi naman ni Brigadier General Anton Charliyan, Tagapagsalita ng Kapulisan ng Indonesia, na naganap ang pambobomba makaraang tanggapin ng pulisya ng Indonesia ang babala mula sa IS, na magsasagawa ito ng mga atake sa bansa.
Kasuwalti
Sa 7 katao na nasawi sa nasabing teroristikong atake, 5 ang mga dayuhan na kinabibilangan isang taga-Kanada, isang taga-Algeria, isang taga-Austria, isang taga-Netherlands at isang taga-Alemanya.
Pinahigpit na hakbanging panseguridad
Bilang tugon, ipinangako ng Indonesia na gagawin nito ang lahat ng magagawa para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayang lokal at dayuhan. Ipinangako rin nitong patuloy na magbibigay-dagok sa terorismo.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |