Magkasamang ipinatalastas sa Geneva, Enero 16, 2016 ng Iran at anim na may-kinalamang bansa sa isyung nuklear ng una, ang opisyal na pagsisimula sa pagpapatupad ng komprehensibong kasunduan hinggil sa nasabing isyung nuklear.
Kaugnay nito, ipinahayag Enero 17, 2016 ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na bilang isang mahalagang hakbang para sa pulitikal at mapayapang paglutas sa isyung nuklear ng Iran at pagsubok sa pandaigdigang sistema ng di-pagpapalaganap ng mga sandatang nuklear, ang pagdating ng nasabing araw ay nangangahulugang pagsisimula sa pagsasakatuparan ng nasabing kasunduan at pag-aalis sa sangsyong ipinataw ng komunidad ng daigdig laban sa Iran.
Ipinahayag din ni Wang na palaging pinaninindigan ng Tsina ang paglutas sa isyung nuklear ng Iran sa pamamagitan ng diplomatikong paraan. Aniya,ipagpapatuloy ng Tsina ang pangako nito sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng daigdig, mithiing pulitikal para pasulungin ang pagsasakatuparan ng komprehensibong kasunduan, at pagsisikap para hanapin ang diplomatikong tsanel para wakasan ang isyung nuklear ng Iran.