Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Navy Task Force ng Tsina, dumalaw sa kauna-unahang pagkakataon sa Timor-Leste

(GMT+08:00) 2016-01-18 21:23:01       CRI
Dumating noong Enero 17, 2016 sa Dili, Kabisera ng Timor-Leste, ang Chinese Navy Task Force 152 para sa 5 araw na pagdalaw sa bansang ito.

Dinalaw naman ni Jose Alexandre Xanana Gusmao, dating Pangulo ng Timor-Leste ang nasabing task force. Ipinahayag niyang ang pagdalaw sa kanyang bansa at paglalayag na pandaigdig ng task force ay nagpapakita ng kapayapaan at pagkakaibigan, at ang kooperasyong pandepensa ng Timor-Leste at Tsina ay naglalayong pangalagaan ang kapayapaan ng rehiyon at daigdig.

Aniya, mahigit 10 taon na ang nakaraan nang maitatag ang Timor-Leste, at nagsisikap ito para itatag ang relasyong pangkaibigan sa iba pang mga bansa. Umaasa aniya siyang sa hinaharap, magtutulungan ang dalawang bansa at tropa. Aniya pa, ang mataas na lebel ng task force at mainam na kalidad ng mga opisyal at sundalong Tsino ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa kanya. Ang pandaigdigang paglalayag ng Chinese Navy ay nagpapakita ng diwa ng papasulong ng kapayapaan at pagkakaibigan ng Tsina, at dapat palakasin ng mga tropa ng iba't ibang bansa ang kooperasyon, para makapag-ambag ng mas marami sa makataong panaklolo, pagpapasulong ng pag-uunawaan sa isa't isa, pagpapahigpit ng pagkakaibigan ng mga mamamayan, at iba pang larangan, dagdag niya.

Noong 2002, nakuha ng Timor-Leste ang kasarinlan nito. Ito ang naging unang bansa sa ika-21 siglo na nagkamit ng kasarinlan. Ang Dili ay sentro ng kabuhayan at pangunahing puwerto ng bansa.

Sinimulan noong Agosto, 2015 ng Task Force 152 ang pandaigdigang paglalayag, pagkatapos ng misyon sa Gulf of Aden. Ang Timor-Leste ay ika-13 stop nito pagkaraan ng 10 araw na paglalayag mula sa Brisbane, Australya.

DILI, TIMOR-LESTE, Jan. 17, 2015, bumisita sa task force 152 ang mga anak ng lokalidad. Idinadala ng task force 152 ang isang destroyer, isang frigate at isang supply ship. Ito ang unang Chinese Navy na dumalaw sa Timor Leste sapul nang itayo ang bansang ito noong 2002.

Salin: Andrea

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>