|
||||||||
|
||
Kasabay ng tagumpay ng Beijing at Zhangjiakou sa pagbibiding upang itaguyod ang 2022 Winter Olympics, nagiging popular ang mga laro sa yelo't niyebe. Parami nang paraming mamamayan ang sumasali sa mga laro sa taglamig. Sa pamamagitan ng isang grupo ng mga lumang litrato, sasariwain natin ang mga magagandang alaala ng mga mamamayang Tsino na may kinalaman sa yelo't niyebe.
Enero 25, 1978, nagsasanay sa figure skating ang mga bata mula sa lahing Uygur at lahing Xibo sa Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang, Tsina.
Enero, 1962, nag-iiskeyting ang mga bata sa Yanji, Lalawigang Jilin ng Tsina, sakay ng maliliit na ice sledge.
Enero, 1990, naglalaro ang mga bata sa Lalawigang Heilongjiang ng Tsina ng "bingga." Ang "bingga," o spinning top sa Ingles, ay popular na laro sa kahilagaan ng Tsina.
Pebrero 14, 1988, tinuturuan ng isang guro sa isang kindergarden kung paano mag-iskeyt ang mga bata sa Haerbin, Lalawigang Heilongjiang ng Tsina. Ang mga bata ay may edad 4 hanggang 6 taong gulang.
Pebrero 7, 1979, mainit ng paligsahan ng ice hockey sa pagitan ng dalawang grupo sa Jilin.
Hunyo 23, 1981, ini-enjoy ng mga skaters ang magandang oras sa burol sa tabi ng Ilog Songhuajiang.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |