Ipinalabas, January 23, 2016, sa Beijing ang "Blue Book of Southeast Asia: Annual Report on the Development of Southeast Asia(2014-2015)." Ayon dito, kasunod ng konstruksyon ng komunidad ng ASEAN, mabilis na tumataas ang pangkalahatang puwersa ng ASEAN, pero, marami pa ang mga tungkulin na dapat gampanan sa hinaharap.
Sa news briefing, ipinahayag ni Wang Qin, Editor-in-Chief ng nasabing blue book at Direktor ng Sentro ng Pananaliksik ng Timog-silangang Asya ng Xiamen University, nilagom at tinaya ng blue book ang kalagayang pangkabuhayang ng ASEAN mula 2015 hanggang 2016. Iniharap din aniya nito ang mga mungkahi para sa estratehiyang isasagawa ng Tsina para mapasulong ang pagtatatag ng Tsina at ASEAN na tulad ng pagpapahalaga sa status ng ASEAN sa pagpapasulong ng "Belt & Road" Initiative na iniharap ng Tsina para sa komong kaunlaran.
salin:wle