|
||||||||
|
||
Dumating kahapon sa Jakarta, Indonesya ang Chinese Navy Task Force 152 para sa 5 araw na pagdalaw sa bansang ito.
Ang task force ay sinalubong nina Eko Wahyono, Pangalawang Komander ng Main Naval Base III ng Indonesian Navy; Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Indonesya; Xu Bu, Embahador ng Tsina sa ASEAN, at mahigit 300 iba pang panauhin. Sa welcome ceremony, ipinahayag ni Eko Wahyono na ang pagdating ng Chinese Navy ay tiyak na magpapasulong sa pagkakaibigan ng mga hukbong pandagat ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ni Wang Jianxun, Komander ng task force, na ang pagdalaw nila ay naglalayong ibayo pang pahigpitin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at pasulungin ang kooperasyong pangkaibigan ng dalawang tropa.
Ang Jakarta ay ang ika-14 at huling stop ng Task Force 152 sa pandaigdigang paglalayag nito. Kabilang sa mga aktibidad nila sa Indonesia, dadalaw sa ampunan ang task force. Idaraos din ng dalawang tropa ang mga aktibidad na gaya ng football game, at tug-of-war competition.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |