|
||||||||
|
||
Mga kalahok sa akademiya (Photo credit: NISCS)
Sinimulan kahapon, Lunes, ika-25 ng Enero 2016, sa Haikou, lunsod sa timog Tsina, ang unang China-ASEAN Academy on Ocean Law and Governance.
Kalahok dito ang mahigit 30 opisyal at iskolar sa suliraning pandagat mula sa Tsina at mga bansang ASEAN. Tatagal ng isang linggo ang akademiyang ito na sumasaklaw sa mga paksa ng pandaigdig na batas, batas sa dagat, pagkontrol sa hidwaan, pangangasiwa sa yamang-dagat, nabigasyon, pangangalaga sa kapaligiran ng dagat, at iba pa.
Nagtatalumpati si Wu Shicun sa akademiya (Photo credit: NISCS)
Bilang tagapag-organisa ng akademiya, umaasa si Wu Shicun, Puno ng National Institute for South China Sea Studies ng Tsina, na sa pamamagitan nito, magpapalitan ng mga kaalaman ang mga kalahok hinggil sa mga suliranin ng dagat, at magkakaroon ng komong palagay sa mga isyu ng dagat.
Ipinalalagay naman ni Propesor Nur Azmel Awaludin ng Maritime Institute of Malaysia, na ang akademiyang ito ay magandang pagkakataon, para palalimin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng iba't ibang panig, pasulungin ang kooperasyon sa South China Sea, at pangalagaan ang kapayapaan sa dagat na ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |