Kinumpirma kahapon, Lunes, ika-25 ng Enero 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na 2 Tsino ang nasawi, at 1 pa ang nasugatan, sa insidente ng pagsabog kamakalawa ng umaga sa Xaysomboun Province, Laos.
Sinabi ni Hua na binibigyan ng panig Tsino ng malaking pansin ang nasabing insidente. Hinihiling din aniya ng Tsina sa panig Lao na lubusang imbestigahan ang insidente. Dagdag niya, dapat isagawa ng panig Lao ang mabisang hakbangin, para igarantiya ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino sa Laos.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nakikilala ang may-kagagawan ng nasabing trahedya.
Salin: Liu Kai